Hindi na nagaksaya pa ng oras si Morticia habang nagpapatuloy sa pagkautal si Yarl. Agad siyang tumalon at lumapag na parang isang kidlat sa harapan nito. At pagkatapos ay agad niyang itinaas ang kaniyang kamay para sampalin sa mukha si Yarl.
Slap!
Ginamit niya ang buo niyang lakas at bilis sa sampal na iyon kaya hindi na ito nailagan pa ni Yarl. Agad itong sumigaw bago lumipad nang malayo ang kaniyang katawan at tuluyang bumagsak sa pampang.
“Ugh…”
Nang mahirapan nang tumayo si Yarl, agad n