nakagawa na ng malaking krimen si Yarl kung totoo iyon.
Magreresulta sa isang daang pagkamatay ang pagpatay sa pinuni ng kaniyang angkan o di kaya’y ang pagsubok na kunin ang fiend soul.
Naku po!
Namutla ang mukha ni Yarl at nataranta nang mapagtanto niyang nabuking siya.
Nanginig si Jarian at nahirapan siyang manatiling nakatayo.
Gayunpaman, kaagad na kumalma si Yarl at tinuro si Morticia habang sumisigaw. “Makinig ang lahat, huwag kayong magtiwala sa kaniya! Lubos siyang nalason at nakaapekto rin ito sa kaniyang isipan. Walang kabuluhan ang lahat.”
Nakita ang desperasyon at pagiging seryoso sa mukha ni Yarl nang sabihin niya iyon.
Whew!
Nag-alangan ang mga manonood. Mukhang may kabuluhan ang sinasabi ni Yarl. Isa pa, maaaring masira ang pag-iisip ni Morticia dahil sa lason.
Malamig na suminghal si Morticia sa pangyayari. “Tigilan ang mga walang kabuluhan, Yarl. Alam mo kung anong ginawa mo.”
Tumingin sa paligid si Morticia. “Mukha ba akong nababaliw sa paningin mo?”
Kasi…