Masyadong naging mabilis ang reaksyon na ginawa ng magkapatid na Scope kaya agad nilang nailagan ang mga pagatake ni Yarl.
Dito na tumama ang mga pagatake sa pintuan papasok sa cabin.
Rumble!
Agad na nawasak ang kahoy nitong pintuan matapos tamaan ng direktang pagatake na nagpakita sa nilalaman nito.
Yari!
Agad na nagpanic noong mga sandaling iyon si Yarl. Kasalukuyan pang nasa loob ng cabin si Jarian para bantayan ang Fiend Martyr. Hindi niya maaring hayaan na makita ito ng lahat.
Agad na