Sa buo niyang buhay, nakilala si Cranos bilang isang tao na puno ng integridad at selflessness. Hinding hindi ito gagawa ng mga hindi kaaya ayang bagay para sa kahit na sino. Kaya agad na naginit ang kaniyang dugo habang tumuturo sa labas at sumisigaw ng, “Umalis ka! At huwag na huwag mo na itong mababanggit kahit na kailan.”
“Opo, Uncle!” naramdaman ni Yarl ang galit mula kay Cranos kaya hindi niya ito nagawang suwayin. Dahil dito ay mabilis na siyang umalis sa kampo.
Agad na nagalademonyo ang mukha ni Yarl nang makalabas ito sa kampo. Agad na nagpakita ng pagkatuso ang kaniyang mga mata. “Hayop na matandang ito. Para lang naman sa aming angkan ang iniisip ko pero nagawa niya pa rin akong sermonan at sampalin.’ Dito na bumalik sa kampo si Yarl habang napupuno ng galit ang kaniyang puso.
“Young Master Yarl.” Isang binata ang naghihintay sa loob nang magbalik siya sa kampo. Nakangiting tumayo ang binatang ito habang sinasabi na, “Kumusta? Sumangayon ba sa ating plano si Sir?”
Masyad