Tahimik na umupo si Cranos habang nagpapakita ng namumulang itsura sa kaniyang mukha. Hindi na siya nakapagsalita pa sa galit nang maalalala niya ang nangyari. Hindi dapat naisip ng isang taong may integridad na tulad ni Yarl ang ganitong klase ng ideya.
“Kunin ang Fiend Soul ni Lord Morticia? Isa itong pagtataksil!” Pagkatapos niya itong isipin ng ilang segundo, napagdesisyunan na rin ni Cranos na tumigil sa pagiisip bago ito magsimula sa pagmemeditate. Ginamit niya ang kanyiang internal energy para pigilan ang lason sa katawan ni Morticia. Kinakailangan niyang magrecover sa lalong madaling panahon ngayong bumabagsak na ang kaniyang enerhiya.
Dito na niya napansin ang isang tao na naglalakad sa labas ng kampo. Agad niyang nakita ang pagpasok ng isang tao sa kanilang kampo. Dahil sa hina ng liwanag sa paligid, nagpakita ng bahagyang dilim ang guwapong mukha ng imahe na siya ring nagpakita sa kumplikado nitong itsura, ito ay walang iba kundi si Yarl.
Mabilis na binuksan ni Cranos ang