Napakunot ang noo ni Empress Heidi sa nasa gitna ng ere na si Shakun, hindi niya maitago ang kaniyang gulat.
Hindi ba napaamong halimaw si Shakun? Bakit ito nawalan ng kontrol?
“Iyong Kamahalan!”
Dali-daling kinausap ng heneral na nagbabantay sa Beast Enclosure ang babae. “Nagkaroon ng problema si Shakun habang nag cu-cultivate at nawalan ito ng kontrol.”
Kumunot ang noo ni Empress Heidi. Lumingon ito para tingnan ang mga opisyal. “Ano sa tingin ninyo ang dapat nating gawin sa sitwasyong ito