Lumapit si Darryl kay Morticia at bumulong, “Gusto mo bang maka alis? Hindi tayo makakaalis dito hanggat hindi natin siya nakukumbinsi. Bilisan mo na!”
Sobrang labag sa loob ni Morticia sa gustong ipagawa sakanya ni Darryl pero pinilit niyang kumalma.
Tama si Darryl, pero…
Galit na galit talaga si Morticia. Hindi niya matanggap na tatawagin niyang asawa ang taong nanamantala sakanya!
Pagkalipas ng ilang segundo, huminga siya ng malalim at sinabi, “Honey.” Namula ang buong mukha ni Mortic