Kahit na nagamit ni Kendall ang buo niyang lakas, hindi pa rin ito bumabalik sa dati kaya hindi masyadong nagbigay ng pinsala kay Sergio ang ginawa niyang pagatake.
Pero agad namang namutla si Sergio sa sobrang takot.
“Napakatindi ng babaeng ito! Nakuha ko na ang 80% ng kaniyang lakas kaya paano niya nagawang magrecover nang ganito kabilis sa loob lang ng ilang araw?” Isip niya.
Pero agad pa ring bumalik ang confidence ni Sergio matapos niyang magulat.
Malinaw niyang naramdaman na gumamit ng