Samantala, muli namang sumipil si Sergio na nagbigay ng senyales sa mga nakalalasong insekto na umatras sa kanilang pagsugod.
Binabalak ni Sergio na hulihin nang buhay si Parker para takutin ito hanggang sa isuko nito ang Famed Sword Manor sa kaniya. Kaya paano niya hahayaang mamatay ito rito?
Nakita ni Parker ang pagatras ng mga nakalalasong insekto habang humihinga nang malalim sa sobrang gulat.
Ginamit ni Sergio ang kaniyang internal energy bago ito sumugod paabante. Itinaas nito ang kaniy