Whew…
Hindi isinapuso ni Darryl ang sinabi ng lalake, pero kumunot pa rin ang kaniyang noo.
Mayroong kakaiba sa lalakeng iyon.
Tiningnan ni Darryl ang sarili. Bahagya siyang natawa sa pangmamaliit niya sa kaniyang sarili. Sa totoo lang ay mukha siyang nakakatakot sa suot niya.
“Group Brother!”
Sumigaw ang babae sa kasama nito at nagsalita gamit ang mahinang boses. “Huwag kang masyadong masungit. Sa tingin ko ay wala naman siyang gagawing masama.”
Tumingin ang babae kay Darryl nang magsalita ito. “Hindi ka takot sa mga lobo?”
Malinaw at malutong ang boses nito, mayroon itong kuryosidad. Malinaw na hindi pa niya masyadong nakikita ang mundo.
Tumango si Darryl.
Pagtapos ay nagtungo siya sa burol. Nang tingnan niya ang mga puno sa distansya, nakita niya ang daan-daang lobo na nagtipon sa kagubatan sa kanilang harapan. Malalaki ang mga lobo at hindi maganda ang naging pagkinang ng kanilang mga tingin. Nakakapanindig-balahibo ang eksena.
‘Hay*p! Ang dami nila.’
Huminga ng malalim