Makalipas ang ilang oras, sa wakas at dumating si Darryl sa Haze Mountain sa gilid ng Great East.
Nasa hilaga ng Great East ang Haze Mountain at mayroon itong ilang kilometrong lawak. Palaging balot sa hamog ang isa sa mga bangin dahil na kapal ng nakapalibot na kagubatan. Doon nito nakuha ang sariling pangalan.
Sa wakas at nagawa niyang makapunta roon.
Dahan-dahang lumapag si Darryl. Nakulong sa Haze Mountain ang kaniyang pagtitig nang umapaw ang kaniyang emosyon.
Kailangan niyang dumaan sa bangin sa Haze Mountain para tuluyan na siyang makaalis sa Great East.
Huminga ng malalim si Darryl sa naisip niyang iyon at dahan-dahan siyang nagtungo sa Haze Mountain.
Sobrang napagod si Darryl sa ilang oras na tinagal ng kaniyang paglalakbay. Napagdesisyunan niyang pumasok sa Haze Mountain para maghanap ng lugar pahingahan.
Ano?
Halos ilang hakbang palang ang nagagawa niya nang bigla siyang huminto. Tumitig siya sa layong daan-daang metro at napakunot.
Nakita niya ang lumilinaw na lala