Tama ito!
Matapos nilang maglakad nang ilang minuto, biglang may naalala si Darryl at tumigil sa isang lugar.
‘Nagawang makatakas ni Melody sa ilalim nang pagbabantay ng mga tao. Kaya naman sigurado ako na hahanapin niya ako kapag nagkaroon siya nang pagkakataon. Gayunpaman, natapos na ang kalahating oras, pero hindi pa rin siya nakakabalik. May nangyari na ba sakanya?
Nag-aalala na si Darryl. Napagdesisyunan niyang hanapin muna si Melody. Pero, matapos niyang maghanap nang kalahating oras, tagaktak ang pawis ni Darryl sa huli pero hindi niya pa rin nagawang malaman kung nasaan si Melody!
Ugh!
Sa sandaling ‘yon, nagalit si Darryl. Tiningnan niya ang paligid niya pero hindi niya makita kahit anino ni Melody.
Ang lugar na ‘yon ay napakalawak!
Ugh!
Sa wakas, itinaas ni Darryl ang enerhiya sakanyang tyan at sumigaw, “Melody, nasaan ka ba?! Sumagot ka kapag narinig mo ako!”
Patuloy pa ring sumigaw si Darryl pero wala siyang nakukuhang sagot!
Naku…
Ang isip ni Darryl ay punong pun