Matapos niyang magsalita, sumagot agad ang lider nila. “Sect Master Darby, ang babaeng ‘yan, ibig sabihin ko, ang iyong apprentice, ay matalino at magaling. Umalis siya nang hindi natin napapansin. Hindi natin siya nahanap. Pero, narito tayo ngayon para humingi ng payo galing sa Cult Master.”
Patagong tumawa si Darryl.
Ngumiti si Darryl nang marinig niya ang mga sinabi nito. Siya ay natuwa.
‘Matalino ang alagad na ito! Sobrang galing ni Melody, nagawa niya pa ring makatakas kahit may mga nagmamasid sakanya.’
Hindi mapakali si Jackie; ang mukha niya ay namumula.
‘Bakit ko ba kasi sinama ang mga walang kwenta na taong ‘to?!’
“Jackie?”
Sa sandaling ‘yon, ngumiti si Darryl at tumingin sa mga lalaki sa harapan niya. Sa wakas, inasar niya si Jackie. “Sabihin mo nga sakin, anong gagawin ko sa mga alagad mo rito?”
Kinagat ni Jackie ang kanyang mga labi, hindi siya mapakali at hindi niya alam kung anong isasagot niya.
Ang mga alagad ay nag-aalala; muntik na silang umiyak at humingi nan