”Sige, sige!”
Hindi maganda ang tingin sa mukha ni Conner. Patuloy ang pagsunog ng kaniyang galit sa kaniyang puso. Tinitigan niya si Zhang Jue. “Bulag ako noong sumang-ayon akong tulungan ka, Zhang Jue.”
“Gusto mong sakupin ang Green Cloud Sect? Magaling. Dapat mong tanungin ang aking espada kung sang-ayon bai to sayo!”
Umangil si Conner nang sabihin niya ang huling pangungusap. “Mga alagad ng Green Cloud Sect—hindi dapat namin hayaan na makuha ng masamang taong iyon ang ano mang naisin niya kahit na lumaban pa kami hanggang kamatayan ngayon.”
“Patayin!”
Nang marinig nila ang pagsigaw ng kanilang sect master ay bumalik sa wisyo ang lahat ng mga miyembro ng Green Cloud Sect. Nilabas nila ang kani-kanilang mga sandata at nagsimulang kalabanin ang mga kalaban.
Bang! Bang! Bang!
Nag-echo sa buong Green Cloud Sect ang malalakas na tunog—nagbanggaan ang mga sandata at naghiyawan ang mga boses habang patuloy ang pakikipagpatayan!
Namutla ang mukha ni Camryn sa kaniyang nakita; patulo