Naramdaman ng buong Green Cloud Sect ang matinding pressure dahilan lung bakit hindi sila makahinga, ito ay ang resulta ng lakas ni Zhang Jue.
“Mister Zhang!”
Naibalik ni Conner ng kaniyang tindig at pinilit nitong ngumiti. “Ang bilis ninyong makarating, Mister Zhang.” Sambit nito nang maglakad siya palapit. “Please, tanggapin ninyo ang aking mga paghingi ng tawad dahil sa pagkaantala.”
Walang makiktiang ekspresyon sa mukha ni Zhang Jue. “Kalmado nitong tiningnan si Conner at sinabing, “Sect Master Yoel, sinabi ninyong nahuli niyo si Darryl; nasaan siya?” Dalhin niyo sa akin!”
Iyon…
Mapait ang ekspresyon sa mukha ni Conner. Nagdalawang-isip ito, yumuko at ipinagdikit ang kaniyang mga kamao. “Mister Zhang, magpapakatotoo ako. Masyadong nakakamuhi si Darryl; nakatakas siya sa prisinto. Pinadala ko na ang aking mga tauhan para hanapin siya sa lahat ng lugar…”
Nagsalita ang nakatayo sa tabi nitong si Camryn. “Tama, isang nakakamuhing tao si Darryl. Hindi lang siya tumakas, pero kinid