Inilagay din ni Fang Mao ang kaniyang handprint sa papel. Wala itong magiging kahit na anong consequence sa kanya ngayong nagkukunwari lang naman siyang sect master ng Snow Mountain Sect.
Natuwa nang husto si Zhang Jue nang mapirmahan ng lahat ang kontrata, dito na niya itinaas ang kaniyang wineglass para makipagtoast sa kanilang lahat.
“Apprentice!”
Agad na kinomfort ni Fang Mao si Sara nang makita niyoa ng itsura ng kaniyang disipulo, “Huwag kang magalala. Nanakawin natin sa kaniya ang Sky Breaking Axe at Exquisite Pagoda sa sandaling tulog na ang lahat.”
Sige!
Tumango naman nang husto rito si Sara habang ipinapakita ang punong puno ng pagasa niyang mga mata.
Naguluhan nang husto sa kaniyang sarili si Sara nang makita niyang magkaisa ang napakaraming mga sekta para labanan ang kaniyang kuya at ang tribo ng Raksasa. Pero agad na gumaan ang kaniyang loob nang marinig niya ang plano ni Fang Mao.
“Siguradong hinding hindi matatalo ni Zhang Jue si Kuya sa sandaling wala sa mga kama