“Oo nga, aksaya lang sa oras kausapin ang mga mayayabang na lalake na yan galing sa Nine Continents!” Hindi maitago ng mga sundalo ng Raksasa ang kanilang kasiyahan, sa tingin nilang lahat ay walang kakayahan si Darryl para umiwas sa suntok na iyon. Sigurado silang lahat na ikakamatay ito ni Darryl, at hindi na sila makapaghintay na mangyari iyon.
Umiwas na ng tingin ang mga negosyante ng Nine Continents, habang si Cheyenne ay napasigaw at nagtakip ng mata. Marami ang tumatakbo sa isip nya, alam