Malumanay lang na ngumiti si Darryl pero hindi naalis ang titig nya kay Jack. “Sinabi ko na sayo ang dapat mong gawin. Ikaw na ang bahala kung makikinig ka o hindi. Ang payo ko lang, pag isipan mong mabuti bago ka gumawa ng bagay na baka pagsisihan mo lang. Ikaw din, baka mahuli na ang lahat para lumuhod ka at humingi ng tawad.”
Woah! Hindi makapaniwala ang lahat sa mga sinasabi ni Darryl. “Nababaliw na ba sya?”
“Gusto yata mamatay ng lalaking ito!”
“Ikaw…” Nag-panic si Cheyenne at hinila sya.