Isang babaeng elite ang tumayo sa harapan ng antehall at magalang na naganunsyo sa harapan ng dalawa, “Nandito po ang Hall Master ng Cloudbrook City na si Hector Berg.”
“Si Hector Berg?”
Dito na napakunot ang noo ng naiinis na si Jackie. “Ano ang ginagawa niya rito sa halip na manatili sa Cloudbrook City?”
“Sinabi niya po na kailangan niya raw kayong makita para pagusapan ang isang mahalagang bagay.” Natatakot na isinagot ng disipulo.
Huminga nang malalim si Jackie bago tingnan si Zhang Jue