Umupo si Jackie roon nang walang kahit na anong emosyon sa maganda at nanlalamig niyang mukha.
Anim na buwan na ang nakalilipas mula noong sumali ang Endless Sky Organization sa business world para mapalawak ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng pagkontrol sa naglalakihang mga corporate groups. Pero agad na nagkaproblema ang kaniyang plano noong umalma rito ang mga sekta ng cultivator sa Nine Mainland.
Ginalit siya nito nang husto.
“Master!”
“Narito na po siya.” Isang elite na babaeng disip