Natahimik ang buong venue habang nagsasalita si Florian.
Natuwa si Florian sa sagot na kaniyang nakuha habang nakangiting tumitingin sa kaniyang paligid bago muling magsalita, “Congratulations sa pagpasok ninyo sa sumunod na round ng kompetisyong ito. Gaganapin ngayong araw ang semi finals ng literary competition kung saan masusubukan ang inyong husay sa mga formation. Nakikita niyo ba ang mga kahoy na nakatayo sa inyong harapan? Ito ay tinatawag na Nine Palace Golden Lock Formation. Sunod suno