“Ako…” Napakagat sa kaniyang labi ang mukhang naiinip na si Yvette. “Hindi ako interesado sa bagay na ito, maging sa Luca na iyan. Maaari bang iwan mo muna ako ate Sloan.”
Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon nang sabihin niya iyon.
Wala na ang pinakamamahal niyang si Darryl, at wala na ring kahit na sino pang makakakuha sa atensyon ni Yvette kahit na gaano pa kainteresante ang mga ito.
Mahinang napabuntong hininga rito ang dahan dahang tumatayo na si Sloan. “Sige, hindi na kita guguluhin