”Darryl, bakit ka sumigaw?” Sinigawan ng bnabigong si Rachel si Darryl.
‘Hayop!’ Sabi ni Darryl sa sarili.
“Puwede naman kayong magpatuloy kung gusto niyo nang mamatay. Sinasabi ko na sainyong mayroong pormasyon sa inyong harapan. Mayroong nakatagong Nine Star Flames sa ilalim ng mga batong tapakan. Magbubuga ng apoy ang Nine Star Flames kapag naglakad kayo riyan nang hindi alam kung paano lutasin ang pormasyon.” Nag-alangan ang lalaki nang magsalita.
Sa katunayan ay gusto na lamang silang hayaang mamatay ni Darryl dahil amg mga ito ang dahilan ng ilang beses niyang muntikang pagkamatay.
Pero tama si Debra. Anak ng kaniyang ninong si Rachel kahit ano pa ang mangyari. Isa pa, matagal na panahon na ang mga insidenteng lumipas; hindi niya maaaring panoorin lamang na mamatay ang mga ito.
Nine Star Flames?
Nanigas sa kinatatayuan sina Ewan at Rachel, agad na anmutla ang kanilang mukha.
Kahit na hindi pa nila nakita ang Nine Star Flames ay narinig na nila ito noon. Alam din nilang pan