Kabanata 1304
Nandidiring tiningnan ni Rachel si Darryl.

‘Siya daw ang Elysium Gate Sect Master, pero napakarumi ng pag-iisip niya. Nakakadiri!’

Hindi napansin ni Darryl ang pagtitig ni Rachel dahil abala ito sa pagmamasid sa kwarto. Natigil ang tingin nito sa stone stele sa di kalayuan. “Guys, may ilang nakasulat sa bato.”

Lumapit rito si Darryl habang nagsasalita, mabilis itong sinundan nina Zhu Bajie at Debra.

Nagkatinignan sina Ewan at Rachel at hindi rin nakatiis ang mga itong lumapit.

Nang nasa harap na sila ng stone stele ay nakita nila ang walong salitang nakasulat dito gamit ang dugo.

“Anong nakalagay?” Bulong ni Rachel, hindi nito mabasa ang sinaunang seal script.

Umiling rin si Ewan. “Mukhang sinaunang salita ang nakasulat. Napakaluma ng paraan ng pagsulat nito, kaunting tao lamang ang marunong bumasa nito.”

‘Ha-ha…gaano kahirap basahin ito?’ Hindi mapigilang mapabulong sa sarili si Darryl nang marinig nito ang kanilang pag-uusap.

Nairita si Ewan sa mapang-asar na tawa ni Darryl.
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP