Unti unting nawala ang kanyang pwersa ng buhay.
“Bakit mo ginawa iyon, Yvan?” Tinitigan ni Qreeola ang lalaki nang walang katiyakan.
“Sinumang magtaksil sa panginoon ay dapat mamatay,” Sabi ni Yvan sa paos na boses.
Sa loob lamang ng ilang segundo, naramdaman ni Qreeola na nawalan siya ng malay at dumilim ang kanyang paningin. Hindi niya man lang maaninag ang ekspresyon sa mukha ni Yvan sa puntong iyon.
Bigla na lang, nagkapira piraso ang kanyang katawan. Kasabay nito ay nadurog ang kanyang kaluluwa.
Sa isang nakatagong lugar na matatagpuan sa kabilang panig ng espirituwal na bundok, isang babae, na tila nagmumuni muni, ang nakaupo sa lupa ng naka-krus ang mga binti. Bigla, iminulat ng babae ang kanyang mga mata at umubo ng maraming dugo. Natumba siya sa lupa dahil nawalan siya ng malaking lakas.
Ang babae ay ang tunay na Qreeola. Ang taong pinatay ni Yvan sa bulwagan ay clone lamang niya.
‘Hindi ko inakalang gagawa sa akin ng ganoon ang lalaking pinakamahalaga sa akin.’ Hindi n