Si Zeloneth ay isang kahanga hangang cultivator. Bukod dito, siya ang pangalawa sa pinuno sa Daemonium Sect.
Halos lahat ng nasa Daemonium Sect ay nakikipagkumpitensya para sa kanyang posisyon. Gayunpaman, tanging si Zeloneth lamang ang nakakaalam tungkol sa katotohanan ng kanyang sitwasyon. Sa lahat ng panahon, hindi siya nakita ni Yvan na naiiba sa ibang mga tagasunod.
‘Hindi ko nga alam kung ano ang plano ni Yvan sa Yhala Realm…’ Nag aalalang sabi ni Zeloneth.
“Hindi ka dapat humingi ng impormasyon na hindi mo karapat dapat.” Ibinaling ni Yvan ang kanyang tingin kay Zeloneth. Pagkatapos, ikinumpas niya ang kanyang kamay bilang pagwawalang bahala. “Maaari ka ng umalis.”
“Naiintindihan ko.”
Nanatili si Zeloneth na nakayuko habang humaharap sa pinto. Habang itinataas niya muli ang kanyang tingin, tumigas ang kanyang ekspresyon. Isang mabangis at nakakatakot na liwanag ang sumilay sa mga mata ni Zeloneth.
Pagkaalis ni Zeloneth sa hall, si Yvan ay naging makapal at itim na usok at