“Tatlumpung libong taon na ang nakararaan, Grand Emperor na ang Martial Reverend. Ngunit, matindin ang tinamo niyang pinsala mula sa Malevolent Demon noon. Matapos ang laban, nanatili siyang nasa seclusion sa sumunod na tatlumpung libong taon.”
“Sapagkat kinailangan ng maraming mga powerhouse para talunin ang Malevolent Demon, siguradong walang kapantay na lakas ang makakamit ng makakakuha sa pamana niya.”
“Tumungo tayo sa Great Wilderness at tignan ang mangyayari.”
Matapos ang diskusyon na naganap sa pagitan ng mga powerhouse sa Southern Academy, maraming mga cultivator ang tumungo sa Great Wilderness ng Eidolon Realm.
Gusto nilang panoorin ang laban sa pagitan ng Malevolent Demon para subukin na makuha ang pamana niya.
Kahit na wala silang gaanong pag-asa para makuha ang pamana, gusto nilang umasa na baka suwertihin sila.
Samantala, walang alam si James sa mga nagaganap sa labas ng Great Wilderness.
Hindi niya alam na hindi mabilang na dami ng mga powerhouse ang patungo sa kailaliman