Bumalik si James sa kuweba sapagkat natatakot siya na may masamang nangyari kay Xainte sa loob ng Malevolent Demon Residence.
Matapos makita na ligtas si Xainte, nakahinga siya ng maluwag.
Base sa sitwasyon, ang mga pumasok sa Malevolent Demon Residence ay ligtas. May abilidad sila para makaalis pero ayaw nila.
Lahat sila gusto marating ang pinakamalalim na bahagi ng kuweba para makuha ang pamana ng Malevolent Demon.
Matapos makumpirma ni James na okay lamang si Xainte, inobserbahan niya ang mga pattern sa batong pader.
Magulo ang mga pattern, at may nawawalang piraso sa gitna. Tila isang puzzle ang batong pader sa harap nila.
Bumulong si James, “Kailangan ba natin ayusin ang mga pattern para makapasok?”
Pagkatapos, lumapit si Xainte at nagtanong, “Anong sa tingin mo? May naalala ka ba na kahit na ano?”
Maraming tao ang nakatayo sa tabi ni Xainte, kabilan si Yikron at Jules na kinalaban kanina si Xainte. Ang mga tao na malapit sa paligid ni Xainte ay mga makapangyarihan.
Sa oras na lum