Hindi makapaniwala ang Martial Reverend. “Pinanood ko siyang mamatay noon. Sigurado akong namatay siya sa harapan ko, kaya paanong buhay pa siya?”
“Nagmula ang balitang ito sa mapagkakatiwalaan na tao. Nagsama ang Great Elder ng Southern Academy ng grupo ng mga elder sa kailaliman ng Great Wilderness. Nakalaban pa nila ang Malevolent Demon at nagtamo sila ng pinsala. Personal na tumungo ang Great Elder ng Southern Academy para ipaalam sa atin ang balita”
Matapos ito marinig ng Martial Reverend, sumimangot siya.
Personal niyang nasaksihan kung gaano nakakatakot ang Malevolent Demon.
Isa siyang Grand Emperor na makukunsiderang walang katapat sa Eidolon Realm. Pero, nagawa siyang iwan ng pinsala ng Malevolent Demon kahit na sabay-sabay siyang inaatake ng mga powerhouse 30,000 na taon na ang nakararaan.
Magkakaroon ng matinding trahedya sa Eidolon Realm kung tunay na nakaligtas ang Malevolent Demon.
Agad na tumayo ang Martial Reverendat tumungo sa main hall.
Matagal ng naghihintay si Nikla