“Ginamit namin ang Time Capsule at sapilitan na nagbukas ng lagusan patungo sa Boundless Realm.”
“Wala ng masyadong natitirang oras para sa sangkatauhan. Para mahanap ang Ancestral God Rank Elixir, ipinadala kami ng Realm Lord ng mga tao sa nakaraan gamit ang Time Capsule. Ngunit, isang hindi inaasahang problema ang nangyari habang naglalakbay kami sa nakaraan.”
“Nagpakita ako isang daang libong taon sa nakaraan samantala, si Thea ay ipinadala sa ibang panahon.”
Habang nagsasalita, sinulyapan ni James si Xainte.
Nagsalubong ang mga kilay ni Xante. Sinusubukan niyang alamin kung totoo ang mga kuwento ni James.
Naintindihan ni James na mukhang imposible ang mga kuwento niya kay Xainte, kaya inilabas niya ang Crucifier at sinabi, “Ito ang Crucifier. Sumanib ito sa Exalter ni Thea noong nasa Time Capsule kami.
“Maaaring hindi ka naniniwala sa akin, pero siguradong ipapaliwanag niya sa inyo ang lahat kapag nahanap ninyo siya.”
Tumawa si Xainte at sinabi, “Ha. So base sa sinasabi mo, ikaw an