Kabanata 2883
Tumalikod so James at naglakad papunta sa lungsod.

Gallop!

Sa likod niya, narinig ang tunog ng tumatakbong kabayo.

Lumingon si James.

Bumalik ang lalaking nakasakay sa kabayo at huminto sa tabi ni James. Dahil napakabilis ng pagpapatakbo niya sa kabayo, lumipad ang alikabok sa langit.

Gayunpaman, isang mahinang halo ang bumalot sa katawan ni James at humarang sa alikabok.

“Gusto mo bang mamatay?”

May hawak na latigo ang lalaking nakasakay sa kabayo. Tinititigan niya nang masama si James at galit na nagsabi, “Hindi mo ba ako nakitang dumaan? Ang lakas ng loob mong hindi magbigay ng daan sa'kin!”

Tinaas ng lalaki ang latigo niya at inihampas niya ito kay James.

Tinignan siya ni James at sinuri niya ang lakas ng lalaki.

Nasa Tribulation Rank pa lang ang binata at hindi pa siya isang Sage. Kaya siyang patayin ni James nang napakadali.

Bago tumama ang latigo kay James, mabilis niyang tinaas ang kamay niya at hinila niya ito. Nahila ang lalaki pababa ng kabayo.

Bumagsak
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP