Kabanata 2882
Magkasamang pumasok sina James at Thea sa Boundless Realm, ngunit may hindi inaasahang nangyari sa daan. Pagkatapos masadlak sa dilim, nakaramdam ng sakit si James sa buong katawan niya. Nasa hindi pamilyar na lugar na siya nang bumalik ang paningin niya sa paligid niya.

Gayunpaman, hindi niya nakita si Thea sa kahit saan.

Hindi niya alam kung anong nangyari o kung buhay pa si Thea.

Hula ni James ay may nangyari siguro nang pumasok sila sa seal at nakarating silang dalawa sa magkaibang lugar.

Ang lugar kung saan lumitaw si James ay nasa loob ng isang bulubundukin.

Sinimulan niyang maghanap sa kabundukan, ngunit wala ritong kahit na anong bakas ni Thea.

May seryosong ekspresyon si James.

Matagal siyang nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya.

Pagkatapos ng ilang sandali, huminga siya nang malalim.

Alam niyang magiging ayos lang si Thea. Nakarating na rin siguro si Thea sa Boundless Realm, pero may aksidenteng nangyari habang dumadaan sila sa seal. Kung kaya't lumitaw
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP