Extra Chapter 3
Bumukas ang malaking front door ng mansion at lumabas roon ang pamilyar na lalaking may kulay gray na mga mata.
“Man,” tango ni Gideon sa lalaki.
Nagman-to-man hug ang dalawa bago nito iwinagayway ang tatlong key card katulad ng mga nakikita niya sa mga hotel.
“The house is ready. I already installed a security system at the whole mansion. The roof and walls are bulletproofed just like what you like.” Tiningnan siya nito pati na rin si Summer.