Chapter 8
Agad na pinagbuksan ni SK ang nag-doorbell nang makitang food service iyon. Maliit na nginitian niya ang hotel staff nang pumasok ito at inayos sa mesa ang mga ipinadalang pagkain ni Alejandro.
Speaking of him, hindi pa ito lumalabas sa opisina nito mula pa kanina. Ipinasok lang nito sa loob ng isa sa mga kwarto si Summer bago nagpaalam sa kanya na may aasikasuhin lang daw sandali sa opisina nito sa penthouse.
Huwag daw muna siyang aalis dahil bak