Chapter 7

Chapter 7

“Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design.

            Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. 

            “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.

            “Yes po,” tango nito. “But I like that pink pencil case, Mommy. It’s so beautiful.” Her daughter even slightly pouts her lips and gives her puppy eyes.

            Now, can someone tell her how can she resist this cute little devil in front of her?

            Gayunpaman, mas nanaig sa kanya ang pagiging ina na kailangan disiplinahin ang anak. Nameywang siya at tinaasan ito ng kilay. “Hindi mo ako madadala sa ganyan, Summer,” aniya na ikinayuko nito.

            Summer played with his fingers tanda na kinakabahan ito at nag-iisip. Nang muli itong tumingala sa kanya, ay nangingilid na ang luha sa mga mata nito at yumakap sa isa niyang binti.

            “Sorry, Mommy,” mahina nitong wika at isinubsob ang mukha sa kanyang hita.

            Napahinga siya nang malalim at kinarga ang anak. Nasa tagong bahagi sila ng National Book Store kaya hindi sila masyadong nakaka-agaw ng pansin. May bibilhin din kasi siya para sa eskwela kaya pumasok siya roon.

            “Okay, anong ipapalit mo?” tanong niya nang magkapantay na sila.

            “My stickers, Mommy,” sagot nito sa kanya. “I won’t ask Tito Cai to buy me stickers tomorrow.”

            Bahagya siyang natigilan. She knows how much her daughter like those personalized stickers. Mukhang mas gusto na nito ngayon ang pencil case na itinuro nito kanina.

            “Okay. Pero isa lang, ha?! Huwag ng magtuturo, deal?!”

            Nakangiting tumango ang anak. “Thank you, Mommy,” she said sweetly as she gave her a peck on her cheek.

            Agad naman siyang nanlambot dahil sa sweet gesture na iyon ng kanyang anak. Summer is such a sweet baby. Natural ang pagiging malambing lalo na sa kanya, kahit pa minsan ay ang arte-arte nito.

            “Sige, kuha tayo ng isa.” Ibinaba niya ang anak at lumapit siya sa estante kung saan naka-display ang mga pencil case. “Ito ba, Baby girl?” tanong niya.

            “Yes, Mommy.”

            Kaya naman pala gusto ng anak niya dahil kulay pink ang kulay niyon at higit sa lahat ay barbie ang display niyon na nakapang-military uniform in a fashionista way.

            Kinuha niya na rin ang mga gamit na kailangan niya bago sila naglakad ni Summer patungo sa counter.

            “Baby, upo ka muna dito ha,” wika niya nang makitang mahaba ang pila sa counter. Baka kasi mangalay ito sa kakatayo. Wala pa naman itong pasensya minsan, mabilis mainip.

            “Yes, Mommy. I’ll behave po,” ngiti nito sa kanya at tiningan ang iba pang bata na naka-upo rin sa bench na kinauupuan nito.

            Bumalik siya sa pagkakapila sa may counter habang pana-panakang sinusulyapan niya si Summer na naka-upo lang habang nakikipag-usap sa ibang bata.

            Summer gave her a flying kiss nang makita siya nitong nakatingin. Nagflying kiss din siya na ikinahagikhik ng anak. Natawa rin siya at kinuha sa dalang shoulder bag ang kanyang pitaka dahil siya na ang nasa tapat ng cashier.

            “Three hundred forty-eight, Ma’am,” wika ng cashier sa kanya. She pulls out a five-hundred-peso bill and hands it to the cashier.

            Nang makuha niya ang resibo at pinamili ay umalis na siya sa pila at tiningnan ang kinaroroonan ng anak.

            Ngunit namutla siya nang makitang wala sa dating kinauupuan si Summer.

            “Summer,” kabadong tawag niya at naglakad patungo sa direksyon ng mga bata. “Nakita mo ba si Summer?” tanong niya sa batang nakita niyang kausap ng anak kanina.

            “Ms., anong kailangan mo sa anak ko?” tanong ng babaeng ina ng bata.

            “T-Tinatanong ko lang kung saan pumunta ang anak ko?” wika niya. “Siya kasi ang ka-usap kanina.”

            “She went outside,” tinuro ng bata ang pintuan. “She said she saw her dad outside.”

            Agad siyang napatayo at hindi na niya nagawang makapagpasalamat sa dalawa dahil bumangon ang takot sa kanyang dibdib para sa anak.

            Sinong daddy ang tinatawag nito? Baka kung kanino lang ito sumunod at nawala.

            “Oh my God,” mahina niyang usal habang palingon-lingon sa paligid. “Where are you baby?”

            Litong napahakbang siya pakaliwa. Walang paki-alam kung nabubunggo niya ang mga tao na naglalakad pasalubong sa kanya.

            “Summer, Baby,” tawag niya. Hinawakan niya sa braso ang lalaking nakasandal sa railing ng mall habang nagce-cellphone. “Sir, may nakita po ba kayong bata na nasa three years old lang ang edad. Tapos kulay pink ang damit niya.”

            “Naku, sorry, Miss. Hindi ko napansin, eh,” sagot nito sa kanya.

            Nagtanong din siya sa iba pang nakakasalubong niya. Ngunit katulad ng nauna ay hindi rin daw napansin ng mga ito.

            “I-inform ko po Ma’am sa information kiosk at central management para mahanap ang anak niyo,” wika sa kanya ng guard na napagtanungan niya.

            “Salamat.” Tumango ito at ini-radyo ang sitwasyon.

            Binilinan siya nitong maupo muna para kapag nahanap na ang kanyang anak ay madali lang niyang mapupuntahan. Gustuhin man niyang gawin iyon, ay hindi siya mapakali sa kinauupuan. Hindi niya maatim na naka-upo lamang siya roon habang nawawala ang baby niya.

            Tumayo siya at muling naglakad para hanapin si Summer.

            “Summer, baby.” Narinig niya ang pag-ere ng boses sa boung gusali na ipinagbibigay-alam ang pagkakikilanlan ng kanyang anak.

            Napatigil siya sa paghakbang nang mahagip nang kanyang paningin ang kulay pink na damit ni Summer. Nasa loob ito ng isang boutique habang nakatingala sa dalawang tao.

            Bumuka ang labi ng kanyang anak kaya alam niyang nakikipag-usap ito. But what caught her attention is the man in front of her daughter.

            Wala sa loob na napatago siya sa likod ng isang poste nang makilala niya kung sino iyon. It was no other than Gideon Vesarius. Her daughter’s unknown father.

            “KUYA, sasamahan mo lang naman ako sa mall. Saka isang bag lang naman iyon, sige na,” Carollette, his little sister whined at him like a child. Niyugyog pa nito ang kanyang braso at kulang na lang ay maglambitin doon habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair.

            “I have tons of works, Rolle. Ikaw na lang. Magpasama ka kay Manong Tiburcio,” mahinahon niyang wika na ang tinutukoy ay ang family driver nila, habang panay buklat ng mga papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. He is in his office even it was Sunday. Kailangan na kasi niyang matapos na pirmahan ang mga papeles bago maglunes para makapagsimula na ng construction ang bagong pinapatayo niyang airlines sa Bicol.

            “Sige na, Kuya. Sandali lang naman at saka Sunday ngayon. Di ba dapat wala kang pasok ngayon,” kulit pa nito sa kanya.

            “No. I need to finish this paper. Alam mong matagal ng gusto ni Dad na magkaroon tayo ng paliparan sa Camarines Sur.”

            Masama ang loob na binitawan ni Carollete ang kanyang braso at nagdadabog na naglakad papunta sa harapan ng mesa niya.

            “Just go by yourself. I’m sorry, hindi kita masasamhan ngayon.” Ibinaba niya ang ballpen na hawak at tiningnan ito.

            Inirapan siya nito at humalukipkip. “Ganyan ka naman palagi.” Namasa ang mga mata nito at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Sabi mo sa akin, babawi ka kapag wala ka na sa military. Tapos ngayon, ang busy mo naman sa kompanya. You don’t keep your promises. Ang dami mo na ngang utang na time sa akin.”

He heard her sniff kaya napahilamos siya ng kanyang mukha. Talunang inayos niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at itinago iyon sa vault na nasa ilalim ng kanyang mesa.

“Fine, let’s go,” wika niya na ikinatingin ng kapatid sa kanya.

“Sabi mo, marami kang trabaho,” tampo nito.

“That could wait, come on.” Makulit na natago nito ang bibig para pigilan ang ngiti nito.

“Huwag ka ng magtampo diyan. You always know how to make me say yes.”

“Syempre naman!” Bumungisngis ito at kumapit sa braso niya nang nagsimula silang maglakad palabas ng opisina niya.

Him, as her one and older brother spoiled this brat. Nagtampo ito sa kanya noon nang sabihin niyang papasok siya sa military. But he promised to her na madalas niya itong dadalawin na madalas din na hindi niya natutupad.

Kaya ngayong wala na siya sa serbisyo, palagi nitong pinapaalala sa kanya ang mga nabali niyang pangako rito.

“That Wayla Shane thinks that her boyfriend is really into her. She doesn’t know that he was also trying to get into my pants,” kwento sa kanya ng kapatid nang nakapasok na sila sa loob ng mall.

“He’s courting you?” interoga niya.

Natawa ng pagak si Carollete. “No, more on ‘nagpapahangin’. Puro naman siya kayabangan. At saka, duh! Ayaw ko sa cheater.” The brat rolled her eyes and put her left cheek against his arm. “Kaya lang Kuya, nabi-bwisit na ako sa kanya. Ang kulit, eh.”

Natigil siya sa paglalakad at nilingon ang kapatid. Salubong ang kanyang kilay at nawalan ng emosyon ang kanyang mukha.

“Does he scare you? Doing something wrong or something that you don’t like and out of the line?” striktong tanong niya, handang hanapin ang kung sino mang ponciopilatong iyon na tinutukoy ng kapatid niya.

Hinding-hindi siya magdadalawang isip na basagin ang mukha gamit lamang ang kanyang kamao kung sakali man na may hindi magandang gawin ang lalaking iyon.

“Ano ka ba, Kuya? Hindi niya ako tinatakot o sinasaktan. Saka subukan niya lang, babalian ko agad siya. Nag-aral kaya ako ng martial arts,” bida nito at ni-flip pa ang buhok.

Kumalma ang sistema niya matapos makasigurong wala ngang ginagawang masama ang lalaking iyon sa kapatid. Nang tumuntong ng kinse si Carollete, siniguro niya na marunong ito ng martial arts to protect herself. He asked one of his buddies in military na may-ari ng gym at martial art school, na personal na turuan ang kanyang kapatid.

            “That’s the boutique,” halos patili nitong wika at itinuro ang isang tindahan ng mga bag. Parang batang hinila siya nito papunta sa loob.

            Bumitaw ito mula sa pagkakahawak sa kanyang braso at kulang na lang ay tumalon-talon ito na parang bata. Nagpa-assist si Carollete sa isang staff para kunin mula sa pagkaka-display ang bag na kinukulit nito sa kanya.

            Habang siya naman ay napa-iling at tinungo ang couch na naroroon para maghintay. Ngunit bago pa man niya mailapat ang pang-upo sa malambot na couch, ay may humigit sa laylayan ng suot niyang longsleeve.

            “Daddy,” wika ng isang bata na nakatingala sa kanya. The little girl is wearing all pink clothes. Pink ang damit, pink na leggings at pink din maging ang suot nitong doll shoes. Hula niya ay tatlong gulang na ito.

            The little girl has a cute nose and slightly chubby cheeks that made her adorable. Maganda rin ang mga mata nito. Mahahaba at mapipilantik ang mga pilik-mata na bumagay sa kulay brown nitong mga mata. Brown orbs just like him and Carollete. At higit sa lahat, ang ngiti nito ay pamilyar sa kanya. It was stuck in his mind pero hindi niya alam kung kanino.

            “Daddy,” tawag ulit nito habang nakangiti ng malaki. Halos kumislap ang mga mata nito.

            “Hello, Little girl,” wika niya at nginitian ito. Tuluyan na siyang lumuhod sa harap nito at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Tinitigan niya ang mukha nito at hindi niya alam kung bakit parang may kung anong nag-uudyok sa kanya na yakapin ito. Dangan lamang, nag-aalala siya na baka matakot ito sa kanya.

            Ngunit hindi na niya kailangan mag-aalala at pigilan ang sarili dahil ito na mismo ang yumakap sa kanya.

            “Daddy, you are really here. I missed you so much,” malambing na wika ng bata sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ng mga maliliit nitong bisig sa palibot sa kanyang batok.

            Tila may humaplos sa kanyang puso dahil sa boses at ginawa ng batang iyon. He found herself hugging back the little girl. And at that very moment, he felt at peace. Na para bang may kulang sa kanya na biglang napunuan.

            His head moves and his lips kiss the little girl’s forehead, unconsciously…

Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados