Chapter 64
Ilan lamang ang bisita nila habang nagbibindisyon ang paring kakilala ni Mommy Ellaine dahil nasa trabaho pa raw. Nagpa-snack lang muna sila at hinayaang maglaro ang mga bata sa lawn ng bagong bahay nila habang silang mga babae ay nakatambay sa living room at nagke-kwentuhan.
“Magkakapit-bahay na tayo. Let’s do this often kapag walang trabaho,” wika ni Neshara habang komportableng-komportable sa bean bag na kinalalagyan nito.
“Sa ating lahat, ikaw lang ang numero unong walang trabaho.” Inirapan ni Mirethea ang babae. “Spoiled na spoiled ka sa mga in-laws mo.”
“Mirethea Montes, i-best friend mo na kasi si Sir Amedeus.” Malakas na humalakhak ang babae na ikinasimangot ni Mrs. Funtellion. Mukhang hindi ito komportable sa father in-law nito.
May mga ganon naman talaga. Swerte niya na nga lang dahil ang bait-bait sa kanya nina Daddy Alex at Mommy Ellaine.
Minsan nga ay nahihiya siya sa pamilya ng asawa