CHAPTER 62
Ibinaba siya ni Johan sa harap ng malaking mansyon na napapalibutan ng matataas na pader. Bukas ang kulay itim na gate sa harap…nagkalat ang mga duguang tauhan ni Rufino—ng Cabal—wala ng buhay.
Sinalakay ng Sigma ang tinutuluyang bahay ng matanda sa Pilipinas.
Maude Laskaris already warned the old man not to set foot in this country again.
Ngunit sadyang matigas talaga ang ulo ni Rufino. Nagmamatapang. Kahit alam na wala ito