CHAPTER 54
Kay Riguel pa rin siya kahit galit ito. Pero paano naman siya?
Sa kanya pa rin ba si Riguel kahit galit ito? Hindi ang sagot dahil pagkahatid nito sa kanya sa bahay sa Maynila ay umalis agad ito. Hindi na siya ulit kinausap o kahit sabihin man lang kung saan ito pupunta.
Masayang sinalubong ni Chelary ang anak nang makita siya nitong bumaba sa kotseng sinasakyan. Dumiretso siya sa bahay nina Jenza nang makarating sa Isla Molave para kunin si Amber.