Chapter 4

CHAPTER 4

Kumunot ang noo ni Chelary nang makita ang mga kasambahay na nag-uumpukan sa may sliding door ng garden. Kaya pala wala siyang mahanap na kasambahay sa kusina dahil may kung anong pinagkakaabalahan ang mga ito.

Hagikhikan ang mga babae. Parang kinurot sa tinggil na napapatalun-talon pa.

“Pst,” sitsit niya. “May artista ba riyan?”

Nakisali na rin siya sa umpukan. Napaatras siya nang bigla na lang may tumulak sa kanya.

“Huwag kang humarang. Ang gwapo—Ma’am!” Napasigaw si Menggay nang makitang siya ang itinulak nito.

Sabay-sabay naman nagsilingunan ang mga kasambahay sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

“Anong tinitingnan niyo?”

“Wala po,” kanda-iling ang mga ito. Si Menggay naman ay pulang-pula ang leeg at pisngi sa pagkapahiya.

Nagsitabi ang mga ito nang naglakad siya papunta sa transparent sliding glass door na hindi niya na sana ginawa.

Tukso…tukso si R
Continue lendo este livro gratuitamente
Digitalize o código para baixar o App
Explore e leia boas novelas gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de boas novelas no aplicativo BueNovela. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no aplicativo
Digitalize o código para ler no App