CHAPTER 49
Bumuntong-hininga si Chelary nang makita sa kalendaryo ng kanyang cellphone na pang-limang buwan na pala nila ngayon ni Riguel. Parang kahapon lang ay nakipagkasundo siya rito tungkol sa anim na buwan.
Isang buwan na lang at matatapos. They’re actually doing good. Hindi pa sila bumabalik ni Amber sa New York dahil hindi niya kayang pabayaan ang matanda na mag-isa na lang. Amber is having her classes online with teachers from her school at New York.