Chapter 48 (Part 2)
Nailipat na si Alejandro sa pribadong kwarto at hinihintay na lang nilang magising.
May bagong doktor na dumating at ito raw ang talagang mag-aasikaso sana sa asawa niya. Kaya lang ay nakiagaw raw si Igor. At dahil kaibigan ang lalaki ng may-ari ng GICC hospital, wala ng nagawa ang doktor kundi ipaubaya si Alejandro rito.
Pinakitaan pa raw ni Igor ng lisensya at kung saang eskwelahan ito nagtapos ng medisina.
Pero duda siya