Chapter 45
Nakasilip si SK sa pintuan habang nakiki-usyuso sa mga pulis na dumating kaninang madaling-araw sa bahay ng mga Almeradez. Simula nang lumaki ang kanyang tiyan ay sa bahay na siya nina Mommy Ellaine at Daddy Alex nakatira.
Buntis na rin kasi si Jessica at hindi kakayanin ni Yaya Myrna na alagaan silang dalawa ng sabay lalo pa’t walang ama ang baby ng bruha. Windang siya nang sabihin nito sa kanya na buntis daw ito dahil nakipag one-night stand sa lalaking ni p