Chapter 43
“Tita SK, your baby is a girl,” wika ni Summer nang lapitan siya nito sa lounge chair na kinaroroonan niya.
Hinaplos niya ang bangs nito na bagay na bagay sa matambok nitong pisngi. Paladisisyon ang bata dahil hindi patanong ang tono nito.
“Hindi ko alam, Baby. Maliit pa lang siya.”
Ngumuso ito at inilapat ang maliit na kamay sa ibabaw ng tiyan niya. “Girl na po. Tito Nix’s babies are boys. Boy rin po ang brother ko. Wala na akong ka-pl