Chapter 41
Pasado alas-dos na nang madaling araw, panay pa rin ang nguya ni Sunshine Kisses ng fries na binili ni Alejandro mula sa sikat na fast food chain sa bansa.
Nakaupo sa tabi niya ang kanyang asawa na nangangalumata man ay pinipilit pa rin nitong samahan siya.
They are back in the country for a month now. Iniwan niya ang mga masasamang alaala sa Pennsylvania at mas piniling bumalik na lang sa Pilipinas. Mas nakakatulong kasi sa kanya ang presensya nin