Chapter 39
“Nasaan ang anak ko?” iyak ni Mrs. Vesarius na sinundan niya naman ng paghikbi.
“Medyo maayos na po ang kalagayan niya. Hindi po agad naming siya na-identify dahil na rin sa mga sugat niya sa mukha at walang anumang pagkakakilanlan ang nakuha sa kanya. Mabuti na lang po at naka-timbre si Major Almeradez sa presinto.”
“He’s fine, Tita.” Tumango si Alejandro kay Mommy Gerona.
“Alejandro! Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa amin?” Napatayo ang ginang habang maluha-luha ang mga mata na nakatingin sa matalik na kaibigan ng kanyang asawa.
“Kaninang alas-dose lang ng madaling araw nakuha ang kanyang katawan, Misis.” Nahulaan agad ng pulis na mange-giyera si Mrs. Vesarius sa pagkakataong iyon.