CHAPTER 39 (PART 1)
“Mali ka lang siguro ng pagkakaintindi,” wika niya sa anak.
Humagikhik si Lyzza kaya namula siya.
Iling na naman ulit sa kanya si Amber. “Read ko nga, Mommy. I know how to read po. Seven na me.”
Pinakita pa nito sa kanya ang mga daliri na para bang iyon ang kasiguraduhan na hindi nga ito nagkakamali sa mga pinagsasabi.
“Bakit mo binabasa ang text ni Daddy? Bad ang magbasa ng personal text messages. Di ba, I told you