CHAPTER 37
Auntie Marigen and Chelary never talked again since the last time she called her to ask about Riguel. Wala na siyang balita rito simula nang lumipat sila sa New York. Both of them completely cut their connection to one another.
Si Auntie Marigen ang nagpatuloy sa kanya sa pamamahay nito nang mga panahong buntis siya at malaking tulong ito sa pag-aalaga kay Amber. Nakokonsensya siya sa lahat ng mga pinagsasabi niya rito nang mga panahong galit siya sa babae.