Chapter 35
Kumurap-kurap siya habang nakatanga kay Alejandro. “S-Sinong Al-Sharique?”
Umiling ang lalaki. “This is confidential and this must remain a secret.”
Iyon ba ang nagdudulot ng panganib sa kanila ngayon. Iyon ba ang dahilan kung bakit pinapalabas sila ni Gideon ng bansa. Pangalan pa lang pang-kontrabida na.
“He was one of those men who led the syndicate that Gideon was hunting four years ago. Gideon killed the b*stard’s brother after they tried to ambush him. Napabagsak ni Gideon ang sindikato pero nakulong lang si Al-Sharique. Nakatakas siya ngayon at bumalik sa bansa para gantihan ang asawa mo. And when I say he’s up for revenge, it means you, your daughter, your family and his.”
Kinagat niya ang kuko sa