Chapter 34
Iyak pa rin nang iyak si Sunshine Kisses habang nakatalukbong ng kumot sa kanyang higaan. Masama pa rin ang loob niya kay Brent. Pinagkukuskos na niya ang mga labi ng wet wipes ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ng pagkadisgusto sa kapangahasan ng lalaking iyon.
Naiiyak siya dahil pakiramdam niya ay nagtaksil siya sa kanyang asawa.
Gustuhin man niyang magsumbong kay Alejandro ay hindi niya magawa dahil nahihiya siya. Baka sabihin nito na pagkatapo