Chapter 22
Mahaba agad ang nguso ni Alejandro nang lumabas siya mula sa banyo nito matapos niyang maligo. Humihingi na naman ng h alik kahit maya’t maya naman ang panunuka nito sa kanya.
“Hey, Baby. Did you enjoy the hot water I’d prepared?”
Napangisi siya at sunod-sunod na tumango. May sariling Jacuzzi si Alejandro sa loob ng kwarto nito na sobra niyang na-enjoy dahil sa maligamgam na tubig niyon na talaga naman nagpa-relax sa nangangalay niyang katawan.